.come.rescue.me.
...from laughing fake. Di na pala ako masaya. Matagal na pala akong di tumatawa nang totoo. pwedeng totoo ngayon pero madali rin xang kumukupas. i want those genuine laughter back in high school. un ung difference ngayon at noon. too bad ngayon ko lang narealize. buong akala ko walang difference. meron pala. kaya siguro namimiss ko ang hs. noon, pwede kang magjoke. pwede kang tumawa. pwede kang tawanan. pwede kang pagtripan. pwede kang mangtrip. may R-E-S-P-E-T-O. alam nila ang line between pagbibigay respeto at pambabastos. Ngayon, pwede ka pa ring magjoke. pwede ka pa ring tumawa. pwede ka pa ring tawanan. pwede ka pa ring pagtripan. pwede ka pa ring mangtrip. pero WALA NANG R-E-S-P-E-T-O. nacross nila ang line between pagbibigay respeto at pambabastos. sige, pagiging insensitive na lang. T_T. sabi gagalangin ka kapag kagalang galang ka. you will be respected if you make yourself respectable. pag ba masayahin kang tao. pag ba mahilig kang magjoke. pag ba mukhang wala kang problema. you're not making yourself respectable? ano namang di kagalang galang sa laging pagtawa? ngayon ko lang napagtanto. matagal na pala. pero ngayon sobra na. paulit ulit na. at ayoko na. kung kailangan tumahimik. sige. yan na nga ang ibibigay ko. matatagal tagal ko pa sigurong mahahanap ang tawang totoo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]